-- Advertisements --

Nagkumahog South Korea para tuluyang itaboy ang mga fighter jets ng China at Russia.

Ayon sa Joint Chiefs of Staff ng South Korea na mayrooong limang Chinese at anim na Russian military aircraft ang pumasok at lumabas sa kanilang Korea Air Defense Identification Zone sa East Sea at South Sea.

Bagamat walang anumang paglabag ay inihanda lamang nila ang kanilang fighter jets sakaling magkaroon ng anumang pag-atake.

Tinawag naman ng Chinese defence ministry na ang kanilang flight bilang kanilang ika-siyam na joint strategic patrol na nangyari sa ibabaw ng Sea of Japan o kilala bilang East Sea sa South Korea.