-- Advertisements --

Nagpasa ng panukalang batas ang mga South Korea parliament na payagan ang mga K-pop stars gaya ng BTS na ipagpaliban ang kanilang compulsary military service hanggang sa edad 30.

Nakasaad kasi sa batas ng nasabing bansa naang mga kalalakihan na may edad mula 18 hanggang 28 ay dapat manilbihan sa military sa kanilang bansa sa loob ng 20 buwan.

Base sa bagong batas, na ang sinumang pop stars ay maaaring ipagpaliban ang military service kapag ito ay inirekomenda ng kanilang culture minister.

Itinuturing naman ng isa sa mga miyembro ng BTS na si Jin bilang isang magandang balita dahil sa nalalapit na kaarawan nito at malapit na itong maging 28-anyos.

Magugunitang ilan sa mga accomplishment ng grupo ay sila lamang ang naging K-pop group na nakatanggap ng Grammy Award nominations.