-- Advertisements --
Dumagsa pa rin ang mga botante sa South Korea sa isinagawa nilang parliamentary election.
Nakasuot ng face masks at gloves at may mga disinfected polling booths ganun din ang mahigpit na inoobserbahan ang social distancing.
Aabot sa 44 million na mga botante ang pipili ng 300 members ng National Assembly para sa mid-term referendum para kay President Moon Jae-in.
Ang South Korea lamang ang tanging bansa na nagsagawa ng halalan mula ng magsimula ang coronavirus pandemic.