-- Advertisements --
Sisimulan na ng South Korea ang pagbibigay antiviral pill na gawa ng kumpanyang Pfizer para sa mga pasyente na dinapuan ng COVID-19.
Mayroong 630,000 pill ang ipapamahagi na sapat lamang sa 21,000 katao.
Ang nasabing mga gamot ay ibinahagi sa nasa 280 na botika at 90 na residential treatment centers.
Ayon kay Kim Ki-nam ng Korea Disease Control and Prevention (KDCA) na ang nasabing mga gamot ay may malaking parte para masolusyunan ang tumataas na kaso ng COVID-19.
Itinuturing na ang South Korea ang siyang unang bansa sa Asya na gagamit ng Paxlovid matapos na ito ay mabigyan ng emergency use authorization noong Disyembre.