-- Advertisements --

Nagtala ng daily COVID-19 cases ang South Korea.

Mayroon kasing 56,431 na kaso nitong Linggo Pebrero 13 ang naitala sa South Korea na dahil sa Omicron coronavirus variant.

Ito na rin ang pang-apat na araw na magkakasunod na mayroong mahigit 50,000 na kaso sa loob ng isang araw.

Ayon sa Korea Disease Control and Prevention Agency (KDCA) na dahil sa kaso ay mayroon ng kabuuang 1,350,630 kaso ng COVID-19 ang nasabing bansa.

Pumalo naman sa 7,081 ang nasawi matapos dapuan.