-- Advertisements --
Naghain ng interest ang Seoul, South Korea na maging co-host ang North Korea sa 2032 Olympics.
Ayon sa International Olympic Committee (IOC) na kanilang pag-aaralan ang nasabing posibilidad dahil unang napili nila ang Australia bilang hosting partner.
Unang nagkasundo si South Korean President Moon Jae-In at North Korean leader Kim Jong Un na maghost ng Olympics mula pa noong 2018.
Magugunitang naghost ang dalawang Korea noong 2018 Pyeongchang Winter Olympics kung saan nag-martsa ang dalawa sa iisang bandila.