Nakaalerto ngayon ang South Korea kung sakaling magtapon at magpadalang muli ng lobo na may laman na basura, toilet paper, at dumi ng hayop ang North Korea sa teritoryo ng SK.
Ito ang inilahad ng military ng South Korea dahil may posibilidad daw na mangyari ulit ito sa darating sa Linggo bilang pagtugon sa pagpapalipad din ng South Korean activists na propaganda balloon.
Ang nasabing pinalipad na lobo ng aktibistang “Fighters for North Korea” ay naglalaman ng 200,000 Pyongyang leaflets na panay anti-Kim Jong Un, 100 radios, at USB flash drives na naglalaman ng speech ng South Korean President Yoon Suk Yeol at maging iba’t ibang kpop music.
Isinagawa ito ng naturang mga aktibista bilang ganti dahil kung matatandaan, noong nakaraang linggo ay nagtapon ang North Korea ng hindi bababa sa 600 na mga trash-filled balloons at ilang unidentified objects.
Ayon sa military ng South Korea, itinuturing nila ito bilang isang itong low class action ngunit sa kabila nito para sa South Korea activist leader na si Jang Se-yul ay hindi pa rin umano titigil sa kanilang kampanya kahit na magpadala rin si Kim Jong Un ng nasabing mga basura.