-- Advertisements --

Nananatiling nakabantay at nakaalerto ang South Korea matapos ang panibagong pagpapalipad ng ballistic missiles ng North Korea.

Ayon sa Joint Chiefs of Staff (JCS) ng South Korea, na nagpalipad muli ang North Korea ng ballistic missiles patungo sa East Sea o kilala bilang Sea of Japan.

Patuloy din ang ugnayan ng South Korea sa mga otoridad ng US at Japan ukol sa panibagong missile launch ng North Korea.

Ang missile ay lumipad ng 400 kilometers ang taas na ito ay inilunsad sa Sariwon area na matatagpuan sa timog bahagi ng Pyongyang.

Noong nakaraang linggo ay ipinagmalaki ng North Korea ang matagumpay na pagpapalipad ng Hwasong-19 Intercontinental Ballistic Missiles na itinuturing nilan pinakamalakas sa buong mundo.