-- Advertisements --
Nanawagan ang foreign ministry office ng South Korea sa Iran na pakawalan na ang oil tanker na kanilang hinuli.
Ayon sa South Korea foreign ministry office, na dapat agaran nilang pakawalan ang mga ito dahil nangangamba sila sa kaligtasan ng mga crew.
Agad na nagpadala ang South Korea ng kanilang anti-piracy unit sa Gulf matapos na matanggap ang pagkakumpiska ng Iran ng kanilang oil tanker sa karagatan sakop ng Iran.
Nauna ng inamin ng Revolutionary Guard ng Iran na kanilang hinuli ang Hankuk Chemi oil tanker sa karagatang sakop ng Iran.
May karga umano ang tanker ng 7,200 tonelada ng oil chemical products at pawang mga South Korea, Indonesia, Vietnam at Myanmar ang crew nito.