-- Advertisements --

Ikinatuwa ng mga taga- South Korea matapos na sila ang napiling susunod na maging host ng World Youth Day sa 2027.

Isinagawa ni Pope Francis ang nasabing anunsiyo kasabay ng misa para sa pagsasara ng World Youth Day sa Lisbon, Portugal.

Ayon sa Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) na ang pagiging host ng South Korea ay ang pagbabalik ng WYD sa Asya matapos ang 32 taon.

Huling naghost kasi ang Pilipinas noong 1995 na siyang naging una at tanging Asian country na naghost ng World Youth Day.