-- Advertisements --

Mahigpit na sasalain ng Olympic team ng South Korea ang mga kakainin ng kanilang atleta na sasabak sa Tokyo Olympics.

Ang nasabing hakbang ay bilang pagtitiyak na hindi infected ng radiation mula sa Fukushima nuclear disaster noong 2011.

Sarili aniya nilang ilulutuan ang kanilang mga atleta bilang pag-iingat.

Kumuha aniya ang Korean Sports and Olympic Committee ng hotel malapit sa Olympic Village para doon iluluto ang mga pagkain na ibibigay sa mga atleta nila.

Magugunitang nagkaroon na ng hindi magandang relasyon ang South Korea at Japan dahil sa awayan ng teritoryo.