-- Advertisements --

Papayagan na ng South Korea ang mga manonood ng mga sporting events sa mga susunod na araw.

Ayon sa The Central Disaster and Safety Countermeasure Headquarters, na mahigpit pa rin nilang ipapatupad ang mga health protocols.

Kabilang dito ang dapat ay mayroon lamang hanggang 30 percent ang papayagan na manonood sa bawat laro.

Mahalaga rin anila ang pagsusuot ng facemask para hindi na kumalat pa ang coronavirus.

Noong nakaraang buwan ay pinayagan na ng bansa ang paglalaro ng golf, baseball at football subalit walang mga pinapayagan na audience.