-- Advertisements --

Naghahanda na ang South Korea sa dalawang paparating na malalakas na bagyo.

Ang typhoon Maysak ay katumbas ng Category 4 hurricane na ito ay magla-landfall sa southern part.

Mayroon itong lakas na 215 kilometers per hour at ito ay hihina sa Category 2 kapag nakapag-landfall na.

Inaasahan na tatama ang Tropical Storm Haishen hanggang sa araw ng Biyernes.

Itinuturing din ito na isang Category 4 hurricane.

Ayon sa Korea Meteorological Administration (KMA) na magdudulot ng malakas na pag-ulan at malakas na hangin ang nasabing mga bagyo.