Ipinapaaresto na ni South Korean President Yoon Suk Yeol ang ilang mga opisyal ng kaniyang gobyerno.
Kabilang na dito ang leader ng kaniyang ruling party na si Han Dong-hoon.
Isinama rin nito na ipinapaaresto ang lider ng main opposition na Democratic Party na si Lee Jae-myung ganun din ang tatlong opposition na mambabatas.
Sinabi ni National Intelligence Service deputy director Hong Jang-won , na sinasamantala na ngayon ni Yoon ang tsansa na arestuhin at tuluyang mawala sa panunugkulan ang mga kontra sa kaniya.
Nabunyag ang nasabing plano sa isinagawang emergency meetings ng political parties.
Una rito ay pagbobotohan ngayong araw ng Sabado ng mga members of parliaments ang impeachment laban kay Yoon.
Ang opposition ay mayroong majority na 300-seat parliament kung saan kailangan ng suporta ng nasa walong ruling party members of parliament para matiyak ang 200 votes na kinakailangan sa impeachment motion na maipasa.