Sumang-ayon ang South Korea sa Amerika na hindi maglulunsad ng sarili nitong nuclear weapons.
Ginawa ni South Korean President Yoon Suk-yeol ang naturang commitment sa bilateral meeting nito kasama si US President Joe Biden kasabay ng kaniyang state visit sa White House.
Ito ay bilang tugon sa pangako ng Estados Unidos na pagpapadala ng nuclear-armed submarines sa South Korea.
Sinabi naman ni US President Joe Biden na ang kasunduang ito ay magpapalakas pa sa kooperasyon ng dalawang bansa sa paglaban sa pag-atake ng North Korea.
Inihayag naman ng South Korean President ang deklarasyon ng Amerika bilang isang unprecedented commitment para malinang pa ang depensa, mapigilan ang mga pag-atake at maprotektahan ang mga kaalyado ng Amerika sa pamamagitan ng paggamit ng nuclear weapons.
Naging magkaalyado ang South Korea at Amerika sa ilalim ng 1953 Mutual Defense treaty kung saan ngayong 2023 ang pag-marka ng ika-70 anibersaryo ng alyansa ng US at South Korea.