-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Unti-unti nang bumabalik sa normal ang sitwasyon sa South Korea matapos ang surge sa kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon kay John Paul Quindoza direkta mula sa South Korea sa panayam ng Bombo Radyo Butuan, hindi na mandatory ang pagsusuot ng face mask kahit sa mga pampublikong lugar.

Pinapayagan na rin ang mga bata at matatanda na makalabas sa kanilang mga bahay kahit nasa 3,000 pa rin ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa nasabing banda kada araw.

Dagdag pa nito nagkukumahog ngayon ang nasabing bansa sa pagbawi ng mga nalugi nila dahil sa epekto ng pandemya upang makakarekober na rin sa ekonomiya.

Gayuman pa man hindi umano nagpapabaya ang gobyerno sa paglaban sa virus at sa pag-aalaga ng mga constituents nito.