-- Advertisements --

Natagpuang patay ang South Korean actor na si Song Jae-lim.

Ayon sa Seoul Seongdong police, nadiskubre ng kaniyang kaibigan ang bangkay ng 39-anyos na actor sa apartment nito.

Walang anumang ebedensiya ng foul play sa katawan ng biktima.

Isinilang noong 1985 at nagsimula ang kaniyang showbiz career sa pelikulang “Actresses” noong 2009.

Sumikat ito sa pagganap niya bilang royal guard noong 2012 sa pelikulang “Moon Embracing the Sun”.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad ukol sa nasabing insidente.