-- Advertisements --

Hinatulan ng korte sa Seoul na makulong ng isang taon ang South Korean actor na si Yoo Ah In.

May kinalaman ito sa paggamit umano ng ipinagbabawal na gamot.

Inakusaha kasi ang actor na gumagamit ng propofol isang uri ng medical anesthetic mula 2020 hanggang 2022.

Ang actor ay bumida sa ilang mga pelikula gaya ng “Burning”, at series na “Hellbound”.

Siya ang pinakahuling actor ng South Korea na nasangkot sa iligal na droga dahil noong nakaraang taon ay natagpuang patay ang actor na si Lee Sun Kyun matapos na nahaharap ito sa kaso ng paggamit ng iligal na droga.