-- Advertisements --
image 13

Inihayag ng isang South Korean shipbuilder na isa sa dalawang missile corvette na inorder ng Philippine Navy (PN) ay ihahatid sa 2025.

Ayon sa Hyundai Heavy Industries, plano nitong ihatid ang unang corvette sa 2025 at ang pangalawang corvette sa 2026.

Ang nasabing kumpanya ay on-track para sa mga target na petsa ng paghahatid dahil ang pagtatayo ng mga sasakyang pandagat ay nasa tamang oras at deadline.

Idinagdag nito na ang schedule ng trabaho para sa mga corvette ay natuloy sa takdang oras habang nagsimula ang konstruksyon nitong Mayo.

Ang tinutukoy ng kumpanya ay ang pagputol ng mga bakal na kinukunsidera sa mga naval circles bilang simula ng pagtatayo ng isang barkong pandigma.

Idinagdag din nito na magsisimula na ngayong Nobyembre ang konstruksyon para sa ikalawang corvette.

Ang Department of National Defense (DND) ay pumirma ng P 28-bilyong kontrata sa naturang kumpanya para sa pagkuha ng dalawang bagong-bagong corvette para sa PN.

Una na rito, ang mga corvette ay may kakayahang magsagawa ng anti-ship, anti-submarine, at anti-air warfare mission at magiging mas mabigat ang sandata kaysa sa Jose Rizal-class frigates.