CAGAYAN DE ORO CITY – Naging matagumpay ang closed-door-meeting ng walong South Korea officials at 10 na tauhan ng Bureau of Customs sa Tagoloan, Misamis Oriental.
Ayon kay Mindanao Container Terminal (MCT) Collector John Simon na naging mahaba ang kanilang pag-uusap kasama ang mga taga-environment department ng Seoul at naging sentro ng diskusyon ang nalabag na batas ng Verde Soko Philippines.
Matapos ang dayalogo, napagpasyahan ng Korean government ang pag-ban ng importasyon ng basura, hindi lamang sa Pilipinas at maging sa ibang bansa dahil sa nakita nilang masamang epekto sa kapaligiran at pangangatawan ng tao.
Inihayag ni Simon na bumuo ng agreement ang Bureau of Customs (BOC) at department of environment ng Seoul na hinding-hindi na sila magpapadala ng basura sa Pilipinas.
Target ng dayuhang bansa ang pagpadala ng kanilang barko sa katapusan ng Hunyo kung saan aabot sa 250 container vans ang ilalabas ng Pilipinas.