-- Advertisements --

Plano ng Department of National Defense (DND) na bumili ng mga bagong helicopter sa Republic of Korea.


Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Ang pahayag ay ginawa ng kalihim kasabay nang pagbati sa bagong talagang Republic of Korea Minister of National Defense na si Suh Wook.

Ayon kay Lorenzana, mga UH-1H at MD500 helicopters ang nais nilang bilhin.

Nilinaw naman ni Lorenzana na sa ngayon nasa exploratory stage pa ang mga plano sa pagbili ng South Korean made UH-1H at MD500 helicopters.

Ang kabuuang detalye aniya sa pagbili ng helicopter partikular ang timeline at quantity ng assets ay isinasapinal pa.

Bukod sa pagbili ng mga helikopters plano rin ni Lorenzana na magsagawa ng Joint Visual Inspection (JVI) sa fourth quarter ng 2020.

Aniya gagawin ang Joint Visual Inspection kasabay ng pagsunod sa biosafety protocols dahil sa nararanasang COVID -19 pandemic.

Lalahukan ito ng mga representante mula sa DND at Armed Forces of the Philippines (AFP).