Patay ang isang South Korean national matapos pagbabarilin ng dalawang kalalakihan sa may Roxas Boulevard Service Road sa Pasay city.
Ayon sa Pasay City Police chief P/Col. Byron Tabernilla, natukoy ang biktima na si Lee Seung Hoon, 45 anyos na nagtamo ng tama sa likurang bahagi ng katawan ng biktima at idineklarang dead on arrival sa San Juan de Dios Hospital.
Isa sa mga suspek ay natukoy na si Jerome QuiƱones Caratao na nadakip matapos tukuyin ng isang testigo.
Nakatakas naman ang kasamahan pa nito na si Prince Eleazar Datinguinoo Tupas na pinaghahanap na ng kapulisan.
Una rito, nakuhanan sa CCTV footage ang nangyaring krimen kung saan habang naglalakad ang biktima biglang nilapitan ito ng mga suspek at doon na isinagawa ang panghoholdap.
Nanlaban ang biktima na nagbunsod sa mga suspek na barilin ang korean national.
Sa ngayon, nasa police custodial facility na ang naarestong suspek at kinasuhan ng robbery with homicide.