-- Advertisements --

Nagpasa ang South Korean parliament ng motion na humihiling na matanggal na ang idineklarang martial law ni President Yoon Suk-yeol.

Ayon sa mga mambabatas na ang nasabing motion ay ipinasa sa pamamagitan ng National Assembly at hindi lamang ito nananawagan na tanggalin na ang martila law at sa halip at marapat na tumugon ito.

Tiniyak naman ng pangunahing opposition party na Democratic Party lider na si Lee Jae-myung na kanilang poprotektahan ang konstitusyon.

Nanawagan din ang ilang mambabatas sa isinagawang national assembly ng pag-impeach kay Yoon.

Maging ang kaalyado naman ni Yoon na si Han Dong-hoon ay labis itong nalulungkot.

Wala na rin aniya epekto ang nasabing martial law dahil sa pagpasa ng motion sa isinagawan national assembly.

Nananatiling nakabantay naman ang mga sundalo at kapulisan sa ilang government buildings habang may ilang protesters ang nagtungo sa harap ng parlyamento para suportahan ang pagtanggal ng martial law.