Sinampahan ng kasong insurrection ang pinatalsik na pangulo ng South Korea na si Yoon Suk Yeol.
Ang nasabing kaso ay nagbunsod dahil sa pagdeklara nito ng martial law noong Disyembre.
Nangyari ang pagsampa ng kaso ilang araw matapos na tanggihan ng korte ang hiling nito na pagpapalawig ng kaniyang pagkakakulong.
Nangangahulugan nito na kailangan magdesisyon ang mga mga prosecutors kung kanilang sasampahan ng kaso o pakakawalan sa Lunes si Yoon.
Sinimulan na rin ng Constitutional Court ang pagbabalangkas kung pormal ba nilang patatalsikin si Yoon bilang pangulo o kanilang ibabalik sa pagkapangulo.
Magugunitang noong Disyembre 3 ng ianunsiyo ni Yoon ang Martial Law bilang pagprotekta umano sa kaniyang bansa laban sa mga ‘anti-state’ forces na nakikipag-simpatiya sa North Korea.
Sa nasabing panahon ay nahaharap sa corruption scandals at ang mga cabinet ministers nito ay isinasailalim sa imbestigasyon.