-- Advertisements --

Nakipagpulong si South Korean President Moon Jae-in sa K-Pop group na BTS.

Ginawaran ng South Korean President ang grupo ng kanilang certificates of appointments bilang Special Envoy for Future Generations and Culture.

Nabigyan rin ng diplomatic passports ang mga miyembro nito na sina RM, Jin, Suga, J-Hope, Jimin, V at Jungkook.

Ang seremonya ay isinagawa isang buwan matapos na ianunsiyo ng Blue House nitong Hulyo sa paggawad sa grupo para mapalakas ang kanilang diplomatic power sa buong mundo.

Nakatakda ring dumalo ang grupo sa 76th Annual United Nations General Assembly sessions sa New York na magsisimula ngayong Setyembre 14.