-- Advertisements --
Umabot na sa mahigit 1.4 million ang pumirma ng petisyon para patalsikin si South Korean President Moon Jae-in.
Ikinagalit kasi ng mga mamamayan ng South Korea ang hindi magandang paghawak ng gobyerno sa pagdami ng nadadapuan ng coronavirus.
Isa sa mga hindi nagustuhan ng mga mamamayan ay ang hindi pagpapatupad ng travel ban.
Sinabi ng mga petitioner na hinayaan lamang ng gobyerno ng South Korea ang pagpasok ng mga Chinese national kahit na nagpatupad na ng matinding travel restrictions ang karamihang bansa.
Nakasaad din sa petisyon na mayroong 20,000 mga Chinese nationals ang patuloy na pumapasok sa kanilang bansa.
Sa huling bahagi ng petisyon ay ang kakulangan ng facemask na gagamitin para sa mga mamamayan.