Binawi na ni South Korean President Yoon Suk Yeol ang pagpapatupad nito ng Martial law.
Ang nasabing pagbawi ay kasunod ng pagpasa ng mosyon ng South Korean parliament sa isinagawang National Assembly na humihiling ng pagtanggal ng nasabing Martial Law.
Sinabi ni Yoon na tutugon ito sa nasabing desisyon ng mga mambabatas kaya agad na inatasan niya ang mga military na bumalik na sa kanilang kampo.
Matatanggal lamang ang Martial Law sa pamamagitan ng pagpupulong ng State Council o gabinete.
Ngayong umaga pa lamang ang isasagawang pag-convene ng State Council at kailangan ng quorum para sa pag-apruba ng nasabing resolution.
Nanawagan din ito sa National Assembly na itigil na nila ang walang kuwentang hakbang gaya ng makailang ulit na panawagan ng impeachment, legislative manipulations at budget manipulation na sisira sa mga galaw ng estado.