Nagdeklara ng martial law si South Korean President Yoon Suk Yeol.
Ito ang unang pagkakataon na ipinatupad ang martial law sa South Korea.
Hindi naman binanggit ni Yoon kung ano ang banta mula sa nuclear-armed na North Korea at sa halip ay nakatuon ito sa mga kalaban nito sa pulitika sa bansa.
Sa ilalim ng martial law ay ipinagbabawal ang anumang aktibidad sa parliyamento at political parties habang ang mga media at publishers ay nasa ilalim ng kontrol ng martial law command.
Hinarangan na rin ng kapulisan ang mga entrada ng gusali ng Parliamento.
Nahaharap sa kontrobersya ang asawa ni Yoon dahil sa kurapsyon lalo na ang stock manipulation at pagtanggap ng mga mamahaling Dior handbag.
Noong nakaraang buwan ay humingi si Yoon ng kapatawaran sa publiko dahil sa ginawa ng kaniyang asawa.
Plano din kasi ng mga opposition leaders na i-impeach ang mga cabinet members lalo na ang mga government audit agency dahil bigong imbestigahan ang unang ginang.
Mula ng maupo noong 2022 ay nahaharap na si Yoon ng manalo ito sa People Power Party at tinalo si Lee Jae-myung.