-- Advertisements --

Kinansela ng South Korean rock band FTISLAND ang kanilang konsyerto sa bansa.

Kinumpirma ito ng FNC Entertainment at sinabing ang dahilan ay dahil sa hindi inaasahang insidente.

Hindi na binanggit pa ng organizers kung ano pa ang naging pinakadahilan ng pagkansela.

Gaganapin sana ang konsiyerto ng banda sa Setyembre 14 sa SM North EDSA Skydome.

Pagtitiyak naman ng organizers na kanilang irerefund ang pera ng mga nakabili na ng tickets.