-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Pinakauna sa buong mundo ang Harvard Medical School and research team na pinamumunoan ng South Korean-American scientist na si Professor Kim Kwang-soo ang matagumpay na nakadiskobre ng gamot sa kilalang incurable na sakit na Parkinson’s disease sa pamamagitan ng pag reprogram ng sariling cells ng pasyente.

Ang proseso ay tinatawag na differentiation, pag reprogram sa skin cells ng pasyente na maging stem cells na siyang nawala sa panahon ng pag atake ng sakit.

Iniba nila ang stem cells na maka kuha ng katangian ng dopamine-producing nerve cells at nilalagay sa utak ng pasyente sa pamamagitan ng surgical operation.

Si Professor Kim ay nagsagawa ng dalawang surgeries noong 2017 at 2018 at nirequest ng U.S. Food and Drug Administration (FDA) na ilipat ang pinalitan na dopamine-producing nerve cells sa 69 year old na may Parkinson’s disease.

Ito ang first-ever transplant surgery ng dopamine-producing nerve cells na hindi nangangailangan ng drugs para sugpuin ang immune response.

Ang pasyente na nakatanggap ng transplant ay sinasabing nagkakaroon na ng improvements sa kanyang motor abilities na magtali ng kanyang shoe lace, lumangoy at mag bisikleta.

Ang Pakinson’s disease ay isang progressive nervous system disorder na nakaka apekto sa kilos ng tao.