-- Advertisements --
image 303

Nakatakdang bumalik ang South Korean singer na si Sandara Park upang mag host sa isang Epicon event para sa legendary 1st Gen, iconic 2nd gen, powerful 3rd gen at 4th Gen artist ng EPICon 2023.

Ang big event ay mangyayari sa April 1 at inaasahan na libo-libong mga fans ang pupunta para matunghayan ang nasabing mga performance ng kanilang mga iniiodolo.

Matatandaan noong July 2022, sorpresang bumisita si Dara sa Pilipinas para suportahan si Bambam ng Got7 para sa 2022 K-pop masters sa manila at magpakita rin ng kanyang last minute performance sa show.

Pagkatapos ng event ay nagbakasyon si Dara sa Bohol at Subic para makapag unwind at ma-enjoy pa ang pagstay sa Pilipinas.

Samantala, inaabangan naman ng mga fans ni Dara ang kanyang long awaited concert para sa kanyang solo album.