-- Advertisements --

Agad bumagsak ang South Korean won kasunod ng biglaang pagdedeklara kagabi, Desyembre 3 ng emergency martial law at tuluyan ding pagbawi matapos ang ilang oras.

Ilang oras nga matapos ang naturang kaguluhan, ang SoKor currency ay katumbas na ng 0.00071 dollar. Ibig sabihin, ang isang US Dollar ay kapalit ng 1,441 South Korean won.

Bago nito, ang isang US dollar ay katumbas pa ng 1,402.9 ngunit agad bumagsak ang naturang currency kasunod na rin ng mga kaguluhan.

Sa kasalukuyan, pinag-aaralan na ng mga financial authorities’ ng SoKor ang posibilidad ng pagsasara sa mga stock market dahil sa inaasahan pang pagbaba ng halaga ng won.

Maraming mga financial authorities na ang nagbabantay sa susunod pang mga kaganapan upang makagawa ng akmang tugon, sakaling lumala pa ang tensyon sa SoKor.