Nanawagan si Malaysian veteran leader Mahathir Mohamad sa kapwa nito lider ng Southeast Asian countries na magkaisa sa kabila ng umiinit na talakayin ng trade wqar na pinamumunuan ni US President Donald Trump.
Nagtipon-tipon ngayon ang 10 myembro ng Association of Southeast Asian Nations sa Bangkok ngunit tila wala pang plantsadong plano ang ito ukol sa trade deal ng China na posibleng magpabago sa free trade area ng mga bansa.
Ayon sa 94-year-old prime minister, ayaw umano nilang humantong sa trade war ngunit kung magmamatigas daw ang Amerika ay magmamatigas din ang mga ito.
Hindi man direktang pinatutsadahan ni Mahathir, sinabi nito na kung wala raw si Trump sa kaniyang pwesto ay hindi sila hahantong sa ganitong gulo.
Nakatakda rin pag-usapan ng mga ito ang mga paksa patungkol sa perennial regional problems tulad na lamang ng amritime dispute ng China sa South China Sea at ang kalagayan na rin ng Rohingya refugees sa Myanmar.