-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Southern California.

Ayon sa US Geological Survey na ang epicenter ng lindol ay sa Ojai sa pagitan ng Santa Barbara at Ventura at ito ay nagmula sa Sisar fault.

Wala namang naitalang damyos sa nasabing lugar.

Nakaranas din ng dalawang aftershocks na ang isa ay 3.1 magnitude habang ang isa ay magnitude 3.6.

Dahil na rin sa epekto ng Tropical Storm Hilary ay nagdeklara na rin ng state of emergency si Nevada Governor Joe Lombardo.