-- Advertisements --

LOS ANGELES – Binulabog ng malakas na 6.4 magnitude na lindol ang Southern California malapit sa siyudad ng Ridgecrest.

Ayon sa US Geological Survey, ang nasabing lindol, na unang napaulat na may lakas na magnitude 6.6, ay napakababaw lamang na may lalim na 8.7 kms.

Wala namang napabalitang nasugatan o pinsala bunsod ng naturang pagyanig na tumama dakong ala-1:30 ng hapon (EDT).

Naramdaman din ang lindol sa Los Angeles hanggang sa bahagi ng Fresno, at maging sa Las Vegas, Nevada sa silangan.

Nasa 25 aftershocks na rin umano ang naramdaman sa lugar.

Batay naman sa European quake agency na EMSC, naramdaman ang pagyanig sa lugar kung saan naninirahan ang mahigit 20-milyong katao. (Reuters)