-- Advertisements --
Sinimulan na ng Berchtesgadener, Germany ang dalawang linggong lockdown para mapigil ang pagkalat ng coronavirus.
Apektado dito ang nasa mahigit 105,000 sa southern Germany ang border ng Austria.
Gaya ng maraming bansa sa Europe ay maraming kaso ng COVID-19 ang naitatala sa Germany.
Dahil dito ay isasara ang mga restaurants, bars, sinehan, gyms, at hotels habang ang mga turista sa nasabing bansa ay pinakiusapan na umalis na.