-- Advertisements --
image 281

Nagdeklara na ng state of emergency ang Southern Ischia dahilan ng malakas na landslide na nagdulot ng pagkamatay at may ilan pang 12-katao ang pinaghahanap pa.

Nilamon ang ilang bahay at inanod ang mga sasakyan papuntang dagat na nagpa-alarma sa mga residente ng nasabing lugar.

May pondo naman na inilabas na nagkakahalaga ng $2 milyon ang pamahalaan pagkatapos ng emergency cabinet meeting dahilan na rin sa pagdeklara ng state of emergency ng lugar.

Mahigit 200-rescuer ang patuloy na naghahanap ng isang dosenang nawawalang tao, habang daan-daang boluntaryo ang patuloy na tumutulong sa paglilinis sa daan ng buong lugar.

Una rito nagbigay babala na ang ministro na si Mattero Piantedosi na may ilang nakulong na sa putik at nahirapan na makaalis dahilan pa rin ng pagkaguho ng lupa na tumangay sa ilang shops at mga sasakyan.

Hanggang ngayon nakakalat pa rin ang mga bato sa daanan, at ang mga putik ay hindi pa rin naalis.

Hindi naman bababa sa 30-pamilya ang wala pa ding kuryente at tubig na magamit dahil sa nasabing insidente.