-- Advertisements --
Niyanig ng magnitude 6.9 na lindol ang southern Japan.
Ayon sa Japan Meteorological Agency, na tumama ang nasabing lindol sa Kyushu region ng southern Japan.
Dahil dito ay naglabas sila ng tsunami advisory sa southern prefectures ng Miyazaki at Kochi.
Nagtala ng 20 centimetro na tsunami na umabot sa Miyazaki City ang lungsod na mayroong nasa 400,000 katao ang populasyon.
Wala namang naitalang abnormalidad sa Ikata Nuclear Power Plant sa western Japan maging ang Sendai Nuclear Power Plant sa Kagoshima prefecture.