-- Advertisements --
Nagbabala ang Phivolcs sa posibleng aftershocks matapos ang nangyaring magnitude 5 na lindol sa bahagi ng Southern Leyte.
Sa advisory na inilabas ng Phivolcs, namataan ang sentro ng pagyanig sa layong 41-kms timog-kanluran ng bayan ng Limasawa.
May lalim na 42 kms ang naturang lindol at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman ang instrumental intensity 2 sa lungsod ng Tagbilaran; Palo, Leyte; at lungsod ng Argao, Cebu.
Bagama’t maaring may aftershocks, sinabi ng Phivolcs na wala naman daw inaasahang pagkasira bunsod ng pangyayari.