-- Advertisements --
Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang southern Mindanao ngayong Huwebes ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, naramdaman ang pagyanig dakong 9:40 ng gabi at ang epicenter nito ay sa 85 kilometers southeast ng Jose Abad Santos sa bayan ng Davao Occidental at may lalim na 47 kilometer.
Naramdaman ang intensity 4 sa Malugon, Sarangani, intensity 3 sa Alabel, Sarangani, intensity 2 sa General Santos City, Koronadal City, Tupi, South Cotabato at Intensity 1 sa Kidapawan City.
Nagbabala ang Phivolcs ang pagkakaroon ng aftershocks.