Nagsagawa ng inspeksyon at personal na inalam ni Southern Police District (SPD) Director, PCol. Kirby John Brion Kraft ang sitwasyon sa C.P Sta. Teresa Elementary School at Upper Bicutan Elementary School sa Taguig City kahapon, August 20, 2022.
Ang nasabing hakbang ay batay sa direktiba ni NCRPO Chief BGen. Jonnel Estomo kaugnay sa kahandaan ng PNP sa Balik Eskwela 2022.
Umapela naman si Col. Kraft sa mga magulang at estudyante na mahigpit pa rin sundin ang minimim health protocols sa pagpasok sa loob at paglabas ng paaralan.
Pina-alalahanan naman ni Kraft ang mga tauhan ng SPD na naka deploy sa mga eskwelahan at sa mga places of convergence na siguraduhin ang kaligtasan at seguridad ng publiko na siyang top priority ng PNP.
“Ang ginagawa nating pag-inspek sa mga schools at Simulation Exercises (SIMEX) ay ilan lamang sa mga aksyon upang ating masiguro ang peace and order, public safety, sa lahat ng mga paaralan, places of convergence, transportasyon, mga hubs dahil inaasahan nating dadagsa ang mga tao sa mga pampublikong lalo na ngayong August 22, ang nationwide opening ng face-to-face classes. Ang inyo pong seguridad ang aming babantayan sa banta ng droga, krimen at terorismo,” pahayag ni Col. Kraft.