-- Advertisements --

Patuloy na makakaranas ng pag-ulan ang Luzon partikular sa may western section, dulot pa rinrng southwest monsoon, hanggang sa susunod na linggo.

Ayon sa Pagasa ito ay kahit nakalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Domeng.

Pinaalalahanan ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang mga residents sa nabanggit na lugar na mag-ingat sa posibleng landslide at pagbaha.

Hinimok ang publiko na makipag-ugnayan sa local disaster risk reduction and management offices sa kani-kanilang mga lugar.

Samantala, delikado pa ring pumalaot lalo na sa may northern at eastern seaboards sa Northern Luzon, seaboards ng Central Luzon at ang western at southern seabords ng Southern Luzon.