Nilinaw ni Cabinet Sec. Karlo Nograles na “status quo” ang sitwasyon kaugnay sa exclusive economic zone (EEZ) at nananatiling mga Pilipino lamang ang maaaring makinabang sa ano mang yaman, mga isda o mineral sa loob ng EEZ.
Taliwas ito sa posisyon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na mayroong ng legally-binding na kasunduan sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping para makapangisda ang mga Chinese sa ating EEZ.
Sinabi ni Sec. Nograles, ang sinasabing kasunduan nina Pangulong Duterte at Xi ay kasunduan o direksyon para magkaroon ng pormal na kasunduan kaugnay sa fishing arrangement.
Ayon kay Sec. Nograles, hindi pa maaaring “enforceable” ang kasunduan hanggang walang malinaw na terms of reference at hindi pa nailalagay sa dokumento.
Kaya ipatutupad umano ang batas lalo ang Fisheries Code kung saan may sovereign rights o eksklusibong karapatan ang mga Pilipino sa EEZ.
Hindi naman masabi ni Sec. Nograles kung kailan maisapinal ang ang nasabing fishing agreement at kung nangangailangan ito ng pagratipika ng Senado.