Binigyang diin ni Finance Secretary Benjamin Diokno na isa pang option ang iminungkahing sovereign wealth fund ng Pilipinas para sa mga pagpopondo na kinakailangan sa imprastraktura ng gobyerno.
Sa economic briefing ng Pilipinas na dinaluhan ng economic managers, opisyal ng financial institutions, at foreign investors, bukod sa iba pa, sa London, United Kingdom, sinabi ni Diokno na ang wealth fund ay dinisenyo upang pondohan sa simula ang ating mga pangangailangan sa imprastraktura para sa susunod na henerasyon.
Aniya, nais ng gobyerno na samantalahin ang pagkakaroon ng mga pondo na maaaring hiramin ng gobyerno sa mga multilateral tulad ng World Bank (WB) at Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).
Dagdag niya, marami naman umano ang pera sa loob ng ating bansa.
Ang iba pang posibleng mapagkukunan ng pagpopondo para sa iminungkahing Maharlika wealth fund ay mga dibidendo mula sa mga government-owned and -controlled corporations (GOCC), gayundin ang mga kita mula sa pagsasapribado ng mga ari-arian ng estado ng Pilipinas.