Naglagay ang Armed Forces of the Philippines ng sovereignty marker sa isla ng Tawi-Tawi province upang palakasin pa ang sovereign rights ng Pilipinas.
Ang marker ay inilagay sa Panggungan Island, bahagi ito ng Barangay Datu Baguinda Puti sa Sitangkai town kung saan nasa paligid ito ng Celebes Sea sa border nito ang Malaysia.
Ayon kay Brig. Gen. Romeo Racadio, commander ng 2nd Marine Brigade at head ng AFP’s Joint Task Force Tawi-Tawi, na isa sa mga significant milestones sa kasaysayan ng probinsiya ang paglalagay ng landmark dahil nagpapakita ito ng matibay na paninindigan sa lugar na nasa southernmost border ng archipelago ng ating bansa.
Ang sovereignty marker na ito sa isla ng Tawi-tawi ay paraan ng pagpapakita ng ng lawful ownerhip sa ating teritoryo at sa lahat ng mga naninirahang mamamayan ng naturang isla.