BUTUAN CITY – Dalawang linggong ila- lockdown ang Sangguniang Panlungsod (SP) building nitong lungsod ng Butuan matapos makumpirmang apat na mga konsehal at pitong mga staff nito ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na ngayon ay naka-kwarantina na.
Nagnegatibo naman ang swab test ni Vice Mayor Jose ‘Joeboy’ Aquino II sa kabila na na-expose ito sa mga nagpositibong konsehal.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Butuan City government spokesperson Michiko de Jesus, na sinimulan na nila ngayong linggo lamang ang virtual meetings matapos na tila walang epekto ang face-to-face meeting nitong nakalipas na linggo sa kabila na kanilang ini-obserba ang physical distancing.
Kaugnay nito’y nananawaan siya sa lahat na panatilihing sundin ang minimum health protocols at iwasan ang pagkumpol-kumpol upang matiyak na hindi na makakaroon ng hawaan ng COVID-19.
Hinikayat din umano ng city government ang pag-adopt na ng virtual meetings habang andyan pa ang COVID-19.