-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nagsimula na ang 14 na araw na temporary lockdown sa Sangguniang Panlungsod (SP) building sa lungsod ng Butuan bilang containment zoning strategy laban sa COVID-19.

Ito’y upang ma-disinfect ang mga tanggapan ng mga konsehal matapos na may ilang mga empleyado ang nagpositibo sa COVID-19 maliban pa sa pag-contain at mabilisang contact tracing sa mga taong may close contact sa mga empleyadong nagpositibo sa coronavirus.

Kaugnay nito, inihayag ni Michiko de Jesus, tagapagsalita ng Butuan City government sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, na ia-adapt muna ng mga empleyado ng SP building ang work-from-home scheme sa loob ng 14 na mga araw.

Dahil dito’y pinayuhan ng opisyal ang mga may gagawing transaksyon sa mga tanggapan sa loob ng SP Building na tumawag na lang muna sa mga kinauukulang konsehal upang ma-facilitate ang kanilang pakay.