-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagsagawa ng legislative inquiry ang Sangguniang Panlalawigan ng Cotabato kasabay ng 53rd Regular Session nito u pang malaman ang kahandaan ng Department of Education o DepEd Cotabato Schools Division at Kidapawan City Schools Division sa pagbubukas ng klase ngayong darating na October 5, 2020.

Ayon kay Vice Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza na siya ring presiding chair, nais nitong tukuyin kung all set na ba ang DepEd sa itinakdang pagbubukas ng klase partikular na sa hanay ng mga public elementary at high schools.

Napag-alaman na meron ng mataas na preparation level ang Kidapawan City habang patuloy pang pinalalakas ng Cotabato Division ang kahandaan nito para sa nalalapit na pasukan.

Magsasagawa muli ng legislative inquiry ang SP-Cotabato sa susunod na linggo upang malaman naman ang estado ng preparasyon ng mga guro sa blended learning kabilang ang modular, on-line, at radio-based instruction.