-- Advertisements --

Hinimok ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang publiko na isulong ang pagkakaroon ng isang makataong lipunan para sa pantay na oportunidad para sa lahat nang hindi nakabase sa kasarian, estadong panlipunan, paniniwalang panrelihiyon at kinaanibang pulitika.

Ginawa ni Sen. Escudero ang pahayag kasabay ng pagdiriwang ng International Women’s Day 2025 ngayong Sabado, Marso 8 na may temang “For ALL women and girls: Rights. Equality. Empowerment.”

Nakiisa rin si SP Escudero sa lahat ng mga Pilipino sa pagdiriwang ng National Women’s Month sa buong buwan ng Marso na may temang “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas.”

Nagbigay pugay din ang Senate President sa lahat ng mga kababaihang Pilipino sa kanilang kontribusyon sa pagtataguyod ng ating bayan