Hindi nasamahan ni dating Vice President Leni Robredo si Pangulong Ferdinand Marcos sa stage dahil may kasunod itong appointment sa inagurasyon ng Sorsogon Sports Arena sa Sorsogon City kaninang umaga.
Ayon kay Senate President Chiz Escudero sa orihinal na plano ay sasamahan ni Robredo ang Pangulo at iba pang panauhin sa stage, at panonoorin nila ang inihandang synchronized dance number.
Gayunman, maaga umanong umalis ang dating bise-presidente dahil may hinahabol itong appointment sa Naga city, kung saan tumatakbo ito sa pagka-alkalde para sa 2025 midterm elections.
Sinabi ni escudero na bago umalis ay hinintay muna ni Robredo ang pangulo na makarating sa venue.
Kung maalala sina Marcos at Robredo ay mahigpit na magkalaban sa pulitika, at nagharap sila sa pagkabise-presidente noong 2016, at sa pagka-pangulo noong 2022.
Ayon naman kay dating Senador Bam Aquino na nagkaroon sila ng cordial interaction kay Pangulong Marcos dahil sila ni VP Leni ay guest ni Sorsogon Gov. Jose Edwin Hamor at Senate President Chiz Escudero.
Samantala, ipinaliwanag naman ni Escudero ang naging presensiya ng dating pangalawang pangulo kung saan nagkita sila ni PBBM.
Sinabi ni Escudero marami silang inimbitahan, dahil nanduon na si Robredo minabuti nito hintayin si PBBM at saka umalis dahil ayaw niyang umeksena.
Binigyang-diin ng Senador na ang pagkikita ng dalawa ay umpisa ng paghilom.